HomeLanguageAng Kwento ni Jim

Ang Kwento ni Jim

Published on

MAGLARO NG PAGSASALAYSAY

Ang pangalan ko ay Jim Vernon at ako ay lumaki sa Miami, Florida USA at doon ako pinalaki sa halos buong buhay ko. Ang aking pamilya ay nasa katamtamang uri ng pamumuhay. Nagtatrabaho ang aking Ama sa isang paradahan at ang Ina ko minsan ay nagtatrabaho bilang nars sa gabi. Noong ako ay 4 o 5 taong gulang, ang aking Ina ay nagkaroon ng karanasan sa Diyos na nagpabago sa kanyang buhay. Nagsisimba na siya at palagi niya akong isinasama. Sa pamamagitan ng aking relasyon sa kanya at ng mga bagay na marahil ay aking natutunan mula sa mga simbahan kung saan niya ako idinala. May isang bagay na inilagay ko sa aking puso. Hindi ako sigurado kung paano ito napunta roon.

Naalala ko noong ako’y pitong (7) taong gulang, ako’y nasa harapang bakuran at nagpapana. Nilalaro ko ito mula sa malalayong distansya at ang mga pana ay pumapasok sa ilalim ng damo sa harapang hardin at hindi ko ito mahanap. Dahil ako’y isang napaka-metodikal na tao, iginulong ko ang aking mga tuhod at isa-isang tiningnan ang maliliit na kwadradong bahagi para tiyak na makita ko ito. Matagal akong naghanap hanggang sa ako’y sumuko. Sa aking pagkabahala, huminto ako, tumayo sa lugar kung saan ko alam na naroroon ang pana, at nagdasal: “Hesus, hindi ko mahanap ang pana, matutulungan mo ba ako?”. Pagkatapos ay humarap ako at naroon na ang pana, agad itong napansin ng aking mga mata. Kaya makikita mo na noong bata pa lamang ako, may ginawa na si Hesus sa aking puso. Alam kong narinig niya ako.

Pagkatapos ng ilang taong pagsisimba, noong ako ay 12 taong gulang, ako ay nasa isang pulong kung saan kaming lahat ay nakayuko at nakapikit ang mga mata. Nagtanong ang pastor kung may gustong humingi ng kapatawaran kay Hesus sa mga bagay na nagawa nila sa kanilang buhay na hindi nakalulugod sa Diyos at handing tanggapin si Hesus bilang lider ng kanilang buhay. Habang ako’y nakaupo doon, narinig ko ang isang boses na nagsabi sa akin, “Alam mong hindi mo hiningi kay Hesus na patawarin ka at pumasok sa iyong buhay?” Sinabi ko sa sarili ko, “Oo, tama ka.” Kaya nang gabing iyon, hiningi ko kay Hesus na patawarin ako at pumasok sa aking buhay. Naranasan ko rin ang naranasan ng aking Ina ilang taon na ang nakalilipas.

Sa mga sumunod na taon at noong nagbibinata ako, palagi akong nagsisimba. Gusto kong mapasaya ang Diyos ngunit gusto ko ring makipag-inuman kasama ang aking mga kaibigan at mambabae. Marahil alam mo ang mga gulo na maaaring dulot nito.

Sa edad na 18, sumali ako sa Air Force at pumunta sa Biloxi, Mississippi, USA para sa isang teknikal na pagsasanay. Habang nandoon ako, nagsisimba ako ngunit paminsan-minsan lang. Patuloy ang aking pag-iinom at pambababae gaya ng karamihan sa mga kabataang lalaki, lalo na ang mga airmen sa Air Force. Ito ang simula ng madilim na yugto sa aking buhay kung saan ako’y talagang lumayo sa Diyos.

 

Nang matapos ang pagsasanay, ipinadala ako sa Pilipinas at mas lumala ang aking pag-iinom ng alak at pambababae. Ako’y naging “isa sa mga lalaki” at bumaba ang aking relasyon at pananalig kay Hesus. Ito’y nangyari noong panahon ng Digmaang Vietnam, mga taong 1967. Matapos ang aking termino sa Pilipinas, ako’y ipinadala sa Vietnam ng isang taon, at pagkatapos ay bumalik sa Pilipinas.

Sa pagkakataong ito sa Pilipinas, dahil alam ko na ang mga pamamaraan at mga gagawin, tumira ako sa labas ng kampo at binago ang aking pamumuhay. Nagba-bar hopping kami at minsan ay umiinom kami ng higit sa isang case ng beer – at hindi ko talaga gusto ang lasa ng beer. Nagsimula na rin kaming mag-marijuana. Hindi ko na makontrol ang sarili ko noong panahong iyon. Para mas lalong maging masaya, nagmomotorsiklo at nakikipagkarera kami sa isa’t isa nang mahigit 90 milya bawat oras. Umabot naHonda 350 Motorcycle ang lahat sa kasukdulan.

Isang gabi, matapos kaming mag-away ng aking kasintahan, pauwi ako’t nakainom at sobrang sama ng aking loob Nagmaneho ako sa isang highway na may dalawang lane sa halos 95 milya kada oras at sumisigaw sa Diyos: “Patayin mo na ako ng Diyos ko, patayin mo na ako!”. Pagkatapos, biglang may karwahe sa harapan ko at ilang segundo na lang ang natitira para maiwasan ko ito. Motorcycle Accident HeadlinesTumama ang kanang tuhod ko sa gulong ng karwahe. Nagpagulong-gulong ako sa kalsada. Huminto kami sa kaliwang bahagi ng kalsada. Doon ko nalaman na nabali at nasugatan ang kanang tuhod ko. Masama ang kalagayan ko. Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, dumating na rin sa wakas ang ambulansya at dinala ako sa ospital. Walang pulso ang aking kanang paa ngunit isa pala itong magandang balita dahil ang nabali kong buto ay bumalot sa arterya at pumutol sa suplay ng dugo sa aking kanang tuhod. Ito ang tumulong para hindi ako mamatay sa aksidenteng iyon.

Pagkaraan ng isang buwan, ipinadala ako sa Tampa, Florida USA malapit sa kung saan nakatira ang aking mga magulang sa Miami. Ako ay naka-spica cast mula dibdib hanggang paa at ako ay nagmukhang mummy. Isang araw, dinala nila ako sa pisikal na terapiya para turuan akong maglakad gamit ang saklay. Habang nandoon ako ay nakita ko ang isang matandang pasyente na nakaupo sa isang mesa at nag-hiSpica Cast ako, ngunit maikli lamang ang aming pag-uusap. Siya ay isang napaka-espesyal na tao sa kuwentong ito. Noong marunong na ako gumamit ng saklay, pinauwi ako sa aking mga magulang para sa tatlumpung araw na bakasyon. Ang saya ko noong makita ko ang aking pamilya ngunit ang kagalakang ito ay hindi nagtagal. Pagkalipas ng 2 araw, may pamamaga sa gilid ng cast sa aking tuhod. Kinaumagahan, dinala ako ng aking ama sa Tampa at sinabi ng doktor na mayroong impeksiyon ang aking tuhod, isang malubhang impeksiyon.

Nang gabing iyon ay bumalik ang Tatay ko sa Miami at ako ay mag-isa sa isolation room. Kinukuhanan ako ng dugo gabi-gabi ng mga nars. Ang tingin nila sa akin ay para bang ako’y isang patay na tao, may mali talaga. Sa kalagitnaan ng gabi, ako’y nakahiga sa kama at narinig ko ang parehong boses na narinig ko noong ako’y labingdalawang taong gulang at ang sinabi nito ay: “Mamamatay ka!”. Natakot ako doon. Sa unang pagkakataon ay sumigaw ako kay Hesus, “Maawa ka sa akin, Panginoon, maawa ka!”. Kinabukasan ay inoperahan ako sa tuhod at sa sumunod na araw ay inilipat ako sa Wilford Hall Medical Center, San Antonio, Texas USA.

Makalipas ang isang taon, nalaman ko sa aking medikal na rekord na sa Tampa, may nakitang nakamamatay na sakit sa aking dugo, pero pagdating ko sa Wilford Hall ay walang makitang anumang bakas nito ang mga doktor. Naniniwala ako na narinig ni Hesus ang aking pagsusumamo at pinagaling ako.

Pagdating ko sa Wilford Hall, inilagay ako sa isolation room kasama ng dalawa pang lalaki na may impeksyon din, ngunit may espesyal sa mga lalaking ito dahil magkasama silang nag-aaral ng Bibliya at nagdarasal. Tiyak na hinihila ako ni Hesus pabalik sa Kanya. Sa huli, umalis na ang dalawang lalaki at ako’y naiwang mag-isa.

Muli akong lumayo sa Panginoon at namalagi ako ng matagal sa ospital na halos umabot ng 2 taon. Ang pangunahing layunin ng mga doktor ay tanggalin ang impeksyon sa aking tuhod. May apat pa akong operasyon sa tuhod at kahit anong ginawa nila, hindi nila ito maalis. Naisipan pa nila itong putulin. Sa pagitan ng mga operasyon, nakakatayo ako gamit ang saklay. Isang araw, habang naglalakad ako sa isa sa mga pasilyo, nakita ko ang isang pasyenteng pamilyar sa akin. Alam niyo ba kung sino iyon? Iyon ay ang lalaking binati ko ng “hello” sa ospital sa Tampa, sa pisikal na terapiya. Naging mabuting magkaibigan kami at madalas kaming magkasama. Nalaman ko na siya pala ay sumusunod kay Hesus. Siya ay isang piloto ng eroplanong pandigma at tinulungan siya ng Diyos na makaligtas noong ang kanyang eroplano ay mabilis na bumababa at ang canopy ay ayaw bumukas. Sa karanasang ito, nagparamdam sa kanya ang Diyos at tinanggap niya si Hesus sa kanyang puso. Madalas kami mag-usap tungkol kay Hesus at magdasal ng magkasama. Isang araw, binigyan niya ako ng isang cassette tape na pinakinggan ko rin ng hapon na iyon. Ito ay isang tape kung saan sinabi ng isang pastor mula sa isang simbahan tungkol sa pag-ibig ng Diyos para sa akin. Dahil sa pagmamahal na ito, dapat kong ibigay sa Kanya ang aking buhay. Hindi ko eksaktong alam kung ano ang sinabi niya na humugot ngunit nagpadurog sa aking puso. Ako ay talagang umiyak. May bumaling sa aking puso at naniwala ako sa unang pagkakataon na ibinigay ko kay Hesus ang pamumuno sa aking buhay.

Bago ang araw na ito, may palaging lumalabas sa impeksyon sa kanang bahagi ng tuhod ko sa loob ng halos isang taon at kalahati. Noong araw na iyon, natuyo ito. Masaya ako na ginagawa ni Hesus ang lahat para sa akin. Tinutulungan tayo ni Hesus na bumalik sa direksyon at sa ating nawalang pagtitiwala at iwasan ang mga bagay na nakakapinsala sa atin. Si Hesus rin ay handang makinig sa ating mga pagsusumamo at dinadala Niya tayo sa mga taong may pananampalataya sa buhay. Siya rin ay nakakapagpabago ng mga tao at Siya ay nagpapadala ng mga tao para magbigay ng espesyal na mensahe sa atin.